ISA, PATAY; ISA, SUGATAN MATAPOS MA-HIT-AND-RUN NG SUV ANG SINASAKYANG TRAYSIKEL SA URDANETA CITY

Patay ang isang ginang habang sugatan ang isa pang pasahero ng traysikel na nabunggo at tinakasan ng isang pulang SUV, alas kwatro ng umaga noong Sabado, Marso 28, 2026, sa Brgy. Nancamaliran East, Urdaneta City.

Base sa kuha ng CCTV, dahil sa lakas ng pagbangga ng SUV ay tumilapon at tuluyang nawasak ang traysikel na sinasakyan ng mga biktima.

Agad tumakas ang SUV matapos ang insidente.

Samantala, inihayag ng Urdaneta City Police Station sa IFM News Dagupan na bineberipika na ang pagkakakilanlan ng may-ari ng SUV bago isalang sa proseso ng batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments