Isa, patay – isa, sugatan matapos pagbabarilin ang sinasakyang kotse sa Caloocan

Caloocan City – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kasamang babae nang pagbabarilin ang sinasakyang kotse sa tapat ng isang bangko at kainan sa Caloocan City.

Ayon sa bystander at tanod na si Jesus Mariano, nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril kaya nagpasya silang tingnan ang pinagmulan.

Tumambad sa kanila ang duguang katawan ng dalawa at agad na isiniugod sa ospital kung saan idineklarang dead on arrival ang lalaki.


Mayroong 17 basyo ng bala ng baril ang natagpuan sa nasabing crime scene.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang dahilan ng mga ito.

Facebook Comments