Isa patay isa sugatan sa panibagong pagsabog ng granada sa bayan ng Pikit North Cotabato

Isa ang patay habang isa ang sugatan sa panibagong pagsabog ng granada sa isang tindahan sa likod ng isang mosque sa national highway ng barangay Poblacion sa bayan ng Pikit sa lalawigan North Cotabato pasado alas siyete kagabi.
Kinilala ang nasawi na si Jamil Umraan habang ang sugatan ay si Norodin Pacalna 35 taong gulang .
Agad namang isinugod sa Cruzado Medical Clinic ang dalawa subalit idineklarang dead on arrival si Umraan habang inilipat naman sa Kidapawan Medical Specialist Center Hospital si Pacalna. Sa initial report ay galing ang granada sa riding in tandem na dumaan sa lugar at inihagis sa nasabing tindahan. Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagsabog. Noong Biernes ng madaling araw ay isa ring pagsabog ang nangyari sa Apollo St.Barangay Poblacion Pikit sa tapat ng isa ring tindahan na pag aari ng isang principal kung saan ay sugatan ang anak nitong si Datu Samer Amelil 17 anyos.(with report from Jesy Ali)

Facebook Comments