Isa Patay, Labing-isa Sugatan sa Pagbaliktad ng Isang Truck Sa San Mariano, Isabela

Brgy. San Pablo,San Mariano, Isabela – Isa ang kumpirmadong patay at labing isa ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang 6×6 na pampasaherong truck ganap alas ng umaga ngayong araw sa Brgy. San Pablo, San, Mariano Isabela.

Sa mismong pagtutok ng RMN Cauayan News Team sa nasabing aksidente, kinilala ang nasawi at idineklarang “dead-on-arrival” na si Rubelino Amistad, isang Chief barangay tanod ng Brgy. Balliao Benito Soliven Isabela

Batay sa pahayag ng mga nakaligtas sa aksidente, sakay ang kanilang grupo na pawang mga miyembro ng 4Ps at kukuha sana ng tulong pinansyal, binabagtas umano ng kanilang truck ang sementadong daan ng barangay San Pablo, San Mariano, Isabela ng masalubong nila ang isa ring truck.


Dahil umano sa makipot ang daan, umiwas ang drayber ng grupo na kinilalang si Rodalyn Ortaliza.

Sa ginawang pag-iwas, huli na ng kanyang malamang malambot pala ang lupa sa shoulder lane ng nasabing lugar dahilan upang tuluyang bumaliktad at mahulog ang truck na kanyang minamaneho.

Agad namang nirespondehan ng iba’t-ibang rescue unit ng San Mariano, Benito Soliven at DART Rescue 831 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang nasabing aksidente.

Maiban sa barangay tanod na nasawi, sugatan din at nagtamo ng bali sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang iba pang lulan ng truck na magpasa hanggang ngayo’y inaalam pa ang kanilang pagkakakilanlan.




Facebook Comments