ISA PATAY NANG NATUMBA ANG MINAMANEHONG SASAKYAN SA BRGY. CANLANIPA, SURIGAO CITY

ISA PATAY NANG NATUMBA ANG MINAMANEHONG SASAKYAN SA PUROK 2, DON JULIO, BRGY. CANLANIPA, SURIGAO CITY
Kinilala ang biktima na si Ramonito Sitoy Cuase, 24 taong gulang, may-asawa, driver ng dump truck at naninirahan sa Purok 1, Brgy. Mabuhay, Sison, Surigao del Norte. Ito’y nakatamo ng grabeng sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kamatayan nito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, minamaneho ng biktima ang Mitsubishi dump truck na may plate number JEC219 at naka-rehistro sa isang Rodelito Delos Angeles. Diumano’y ang sasakyan na minamaneho ni Cuase ang may kargang buhangin at noong diskargahin na sana ito sa itinatayong building, biglang natumba ang dumptruck. Nakaladkad pa ang driver at nadaganan ng sasakyan.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng City PNP sa pangyayari.

Facebook Comments