Manila, Philippines – Nakapagtala na ng isang patay ang National Disaster Risk Reduction Management Council dahil sa hagupit ng Bagyong Odette.
Kinilala ni NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, ang namatay sa probinsya ng Apayao na si Rodrigo Garcia, 68 years old.
Sa inisyal na ulat, tinangay ng malakas na agos ng ilog ang matanda habang sinisilong ang alaga nitong kalabaw.
Dahil sa lakas ng agos, tinangay ng rumaragasang tubig si Garcia na naging dahilan para malunod nito.
Samantala, nakauwi naman na sa kani-kanilang mga bahay ang mga pamilya na nag-evacuate sa Apayao.
Unti-unti na ring humuhupa ang tubig baha sa bahagi ng Cagayan.
Habang naibalik naman na ang naputol na linya ng kuryente sa Ilocos Sur at Apayao.
Patuloy pa rin ang pagtanggap ng NDRRMC ng mga ulat kaugnay sa pinsala ng bagyo sa ibang bahagi ng bansa.