Isa, patay sa engkwentro sa Parañaque

82

Manila, Philippines – Patay ang isa sa tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na naka-engkwentro ng mga elemento ng Parañaque PNP sa San Juan de coastal, Brgy. San Dionisio ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, sinita nila sa lugar ang tatlong lalaki na magkaangkas sa isang itim na motorsiklo pero biglang bumunot ng baril ang dalawa sa mga ito at nagpaputok.

Dahil dito, napilitan ang mga pulis na gumanti na nagresulta sa kamatayan ng isa sa mga suspek habang nakatakas naman ang dalawang kasamahan nito.


Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 na baril, ilang bala at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments