Isa, patay sa pagsabog sa Quiapo, Maynila

Screenshot from Kingmusafir Vlog

Patay ang isang construction worker matapos masabugan ng acetylene sa Quiapo, Manila.

Sa inisyal na ulat, naganap ang pagsabog bandang alas-10:00 ng umaga.

Isang foreman ng contractor ng Department of Public works and Highways (DPWH) ang biktima.


Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagsabog.

Nasa lugar na ngayon ang mga tauhan ng Bureua of Fire Protection at nagsasagawa ng imbestigasyon.

Facebook Comments