Isa, patay sa pananalasa ng bagyong Rolly sa Quezon

Ilang bahay ang nasira sa pagtama ng storm surge sa Barangay Adlcavor at Magsaysay sa Tagkawayan, Quezon.

Binaha rin ang ilang kabahayan dahil sa malalakas na hampas ng tubig-dagat sa seawall.

Labing-isang (11) bayan din ang nawalan ng suplay ng kuryente sa kasagsagan ng bagyo.


Samantala, nagpasaklolo na ang provincial government sa pulisya para sa pagpapatupad ng forced evacuation sa mga residente nitong ayaw magsilikas.

Sa ngayon, nasa 7,500 pamilya na ang nadala sa evacuation centers na katumbas ng halos 150,000 indibidwal.

Tiniyak naman ni Quezon Province Gov. Danilo Suarez na sapat ang kanilang relief goods.

Kinumpirma rin ni Suarez na may isa nang nasawi sa probinsya gitna ng pananalasa ng bagyo.

Isang 70-year old na lola ang naipit matapos na madaganan ng natumbang puno ang bahay nito sa Mauban, Quezon.

Facebook Comments