Isa patay sa salpukan ng MOTORSIKLO at MULTICAB sa North Cotabato!

Hindi na naisalba pa ng mga doktor ang buhay ng isang driver na nasangkot sa vehicular accident sa Brgy. Naje, Arakan, North Cotabato.
Napag-alaman mula sa Cotabato Police Provincial Offic (CPPO) na isang utility vehicle na Zusuki (multicab) na minameho ng isang Martin Delgado, 61 anyos, negosyante, residente ng Purok 4 Poblacion, Antipas, Cotabato at isang single motorcycle na minamaneho ng nasawing driver na hindi pa nakikilala ang nagsalpukan.
Pareho umanong binabaybay ng multicab at ng motorsiklo ang national highway bagamat mula sa bayan ng Arakan ang multicab samantalang patungong Kidapawan City naman ang motorsiklo kung saan pagsapit nito sa Brgy. Naje ay bigla na lamang itong lumitaw na walang headlight at sumalpok sa multicab.
Dahil sa lakas ng impact ng pagkakasalpok ng motorsiklo sa multicab ay nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang motorcycle rider na naging sanhi ng kanyang kamatayan.(photo file)

Facebook Comments