Isa, patay sa sunog sa isang talipapa market sa Makati

Isa ang kumpirmadong patay sa nangyaring sunog sa Kalayaan Talipapa Market sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.

Kinilala ang nasawi na si Mely Mencias, 76-anyos, na na-trap sa mezzanine ng simbahan ng Christ International Fellowship na nasa ikatlong palapag ng gusali.

Samantala, nailigtas naman mula sa nasusunog na gusali ang isang menor de edad na babae na ngayon ay patuloy na inoobserbahan sa ospital.


Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa mismong simbahan dakong alas-4:00 kaninang madaling araw .

Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog bago idineklarang fireout kaninang alas-6:03 ng umaga.

Patuloy pang inaalam ng BFP ang danyos sa sunog at ang posibleng pinagmulan nito.

Facebook Comments