Isa, patay sa sunog sa Port Area Manila

Isa ang kumpirmadong nasawi sa naganap na sunog sa Port Area Manila.

Nakilala ang nasawi na si Ricky Sebastian, kung saan tatlong indibwal ang nagtamo ng mga mino injuries.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa 4th floor ng bahay ng pamilya ni Hadji Usman.


Mabilis na kumalat ang apoy kaya’t nasa higit 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan at tinatayang nasa 3 milyong pisong halaga ng ari-arian ang natupok.

Kaugnay nito, nagpadala na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

Kabilang sa ibinigay na tulong ay pagkain at tubig habang magtatayo na rin sila ng mga tent na pansamantalang tutuluyan ng mga nasunugang pamilya.

Nagtalaga na rin sila ng mga evacuation sites, pero ayaw ng mga nasunugan na mga residente na lumayo sa kanilang lugar.

Iginigiit kasi ng karamihan sa kanila na baka mawalan sila ng pwesto o teritoryo sa oras na payagan silang makabalik kapag nalinis na ang lugar ng pinangyarihan ng sunog.

Bukod dito, nagbabantay ang mga residente dahil baka magka-agawan daw sa lugar na tinayuan ng kanilang tinitirahan.

Patuloy naman naka-antabay ang mga tauahn ng Manila Police District (MPD) na nakakakasakop sa lugar gayundin ang mga opisyal ng barangay upang hindi magkaroon ng kaguluhan.

Facebook Comments