ISA PATAY TATLO SUGATAN, SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTOR SA BAYAN NG BANI

Patay ang isa katao habang patuloy na inoobserbahan ang tatlo iba pa sa naganap na aksidente sa bayan ng Bani.
Nakilala ang namatay na biktima na si Jhon Lester Paz habang sugatan ang iba pang sangkot na nakilalang sina Emil Catabay, Jhon Lloyd Catabay at Mico Avelino.
Lumalabas sa imbestigasyon na parehong binabagtas ng dalawang motor kung saan ay lulan ang mga biktima ang kahabaan ng Brgy. Ambabaay pasado alas diyes ng Gabi nang bigla umano kumambiyo si Emil Catabay upang gumilid subalit ito ay nahagip ng motor ni Jhon Lester Paz dahilan upang tumilapon ang apat.

Nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival si Paz habang inoobserbahan pa ang tatlong kasamahan nito. |ifmnews
Facebook Comments