Isa patay tatlo sugatan sa pamamaril

Sa Cotabato City, Isa ang patay habang tatlo naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril kahapon 11:20 ng umaga sa bahagi ng Almonte extension Barangay Poblacion 4 Cotabato City.

Kinilala ang nasawi na si Aminodin Radzak Musa, na dead on arrival sa pagamutan makaraang magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan, Nasrudin Nanao, Joharli Samo Nanding, na kapwa  nasa kritikal na kalagayan at si Doring Dadza Alamansa, na mother in law ng namatay.

Ayon sa paunang inbestigasyon ng PP1 ni Police Captain Leonardo Enggay, nasa labas lamang daw ng kanyang tahanan si Musa ng biglang dumating ang isang fortuner  at bumaba ang limang kalalakihan at doon ay walang awang pinagbabaril ang kanilang target na si Musa habang tiyempong nasa labas ang  ibang kamag-anak nito na pinagbabaril din.


Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang mga suspect sa hindi napag-alamang direction habang ang mga biktima ay unang isinugod sa Medical Specialist hospital bago inilipat sa mas malaking hospital.

Na-recover sa crime scene ang 22 empty shell ng calibre 45 pistol at 11 empty shell ng calibre 9mm pistol. Personal grudge naman ang nakikitang motibo ni Police Captain Enggay dahil nakulong umano dati ang target na si Musa dahil sa kasong murder at nakalabas. Posibleng paghihiganti ang motibo sa krimen.

Facebook Comments