Isa pulis patay 5 sugatan sa pagsabog ng IED sa Maguindanao

Patay ang isang pulis habang limang iba pa ang sugatan sa nangyaring pagsabog ng Improvised Explosive Device(IED) sa barangay Poblacion sa bayan ng Shatiff Aguak Maguindanao kahapon Dec 31. Ayon sa repott nagsasagawa ng preventive patrol ang mga elemento ng Shariff Aguak Municipal Police Station habang sakay ng kanilang patrol car ng mangyari ang pagsabog at tinamaan ang kanilang sasakyan. Agad namang isinugod ang mga sugatang pulis sa Maguindanao IPHO hospital subalit idineklarng dead on arrival si Spo4 Max Kaibat habang sugatan naman sina Po3 Jalison Abdullah , Po1 Arche Ansare Amelista, Ricardo Almonia, Po1 Alimudin Nuphay at Po1 Zainoden Abdullah. Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na kagagawan ng mga miembro ng Bangsamoro Islamic Fredom Fighter(BIFF) ang pagpapasabog kahapon.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments