Isinagawa na kahapon sa South Korea ang launching ceremony ng isa sa dalawang kauna-unahang warship ng Philippine Navy na pinangalanang Barko ng Pilipinas o BRP Jose Rizal.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata, inaasahang maide-deliver sa bansa ang isa sa unang warship ng Pilipinas sa taong 2020, habang ang sister ship nitong BRP Antonio Luna ay maide-deliver sa taong 2021 pa.
Sa ngayon kasi ay pormal pa lamamg sisimulan ang keel laying o ang formal construction ng BRP Antonio Luna.
Ang dalawang warship na ito ng Philippine Navy ay may kakayahang magsagawa ng anti-air warfare, anti-surface warfare, anti-submarine warfare at electronic warfare operations.
Taong 2016 nang magkapirmahan ng kontrata ang Pilipinas at South Korea Shipbuilder Hyundai Heavy Industries para sa pagbuo ng dalawang barkong pandigma na nagkakahalaga ng 16 billion pesos.
Maliban pa sa dalawang bilyong piso para sa weapon system at munition ng dalawang warship.
Ang bawat warship ay may mahigit isang daang officers at crew.