Isa sa 22 Pinoy crew ng barkong tinamaan ng missile ng Houthi sa Red Sea, nawawala

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nawawala ang isa sa 22 Filipino seafarers na sakay ng barkong tinamaan ng missile ng Houthi rebels.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Cacdac, ang naturang barko ay nananatili sa gitna ng karagatan kung saan patungo sana ito sa Red Sea.

Tiniyak naman ni Cacdac na patungo na sa lugar ang rescuers.


Ang merchant ship MV Verbena ay dalawang beses na tinamaan ng missile.

Inaalam na rin aniya ng DMW kung mayroon ding mga Pilipinong sakay ng isa pang barkong inatake rin ng Houthi.

Facebook Comments