Isa sa 27 Pinoy crew ng MV Transworld Navigator, nasaktan sa pag-atake ng Houthi

Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na isa sa 27 Pinoy crew ng MV Transworld Navigator ang nasugatan sa pag-atake ng Houthi rebels sa Red Sea.

Ayon kay Cacdac, ang nasugatang Pinoy seafarer ay nagtamo ng minor injuries matapos matamaan ng basag na salamin.

Sa ngayon, aniya patuloy pang naglalayag ang naturang barko patungo sa ligtas na port na hindi muna binanggit ni Cacdac para sa pangseguridad na kadahilanan.


Tiniyak naman ng kalihim na mino-monitor naman nila ang mga Pinoy crew habang lumalayag ang mga ito.

Ang MV Transworld Navigator ay hindi napuruhan ng tatlong missile attacks ng Houthi kaya nakapaglayag pa rin ito.

Facebook Comments