Isa sa anim na notoryus na mandurukot sa Makati, arestado

Makati City – Arestado ang isa sa anim na notoryus na mandurukot sa Makati City.

Huli ang suspek na si Micheal Lapuz, 35-anyos, matapos na may makakita dito na dinudukutan ng cellphone ang isang pasahero sa bus.

Agad naituro ng mga pasahero sa mga pulis na nakaantabay ang suspek matapos itong bumaba sa bandang Loyola.


Hindi na naibalik pa ang cellphone pero narekober dito ang isang patalim.

Ayon pa sa suspek, anim silang magkakasama na umakyat sa bus.

Samantala, kinumpirma ng mga awtoridad na may rekord na ng pandarukot ang suspek na dati na ring nakulong at nakalaya lang matapos na iurong ng biktima ang pagsasampa ng kaso laban dito.

Facebook Comments