Isa sa apat na bidders ng online voting and counting system para sa 2025 elections dinisqualify ng Comelec

Dinisqualify ng Commission on Elections (COMELEC) ang isa sa apat na bidders ng P465-million online voting and counting system para sa overseas voting ng 2025 midterm elections.

Dalawang beses na naghain ng reconsideration ang joint venture ng AMA Group Holdings Corp., Dasan Network Solutions Inc., at Kevoting Inc. na unang idineklarang “ineligible”.

Ibinasura ng Comelec sa ikalawang beses ang mosyon dahil nabigo ang AMA-Dasan-Kevoting na magbayad ng nonrefundable na “protest fee” na nagkakahalaga ng P2.3 million.


Ayon kay Comelec Chair George Garcia, mandatory requirement ang tinatawag na protest fee sa ilalim ng procurement law.

Sa ngayon, sinabi ni Garcia na hindi pa tapos ang Comelec sa ginagawang post-qualification evaluation.

Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pang ginagawaran ng kontrata para sa online voting and counting system para sa overseas voting ng midterm elections.

Facebook Comments