JOLO, SULU – Kinumpirma ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na ang mamamayan nila na si John Ridsdel, Dating Mining Executive ang dayuhang pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf Group kagabi.ito’y ilang oras matapos ma-expired ang rason deadline na binigay ng bandidong grupo.Ayon kay Western Mindanao Command Spokespeson Major Filemon Tan, natagpuan ang pugot na ulo ni ridsdel malapit sa harapan ng main gate ng jolo municipal hall alas 7:30 kagabi.Aniya, dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang naghulog ng itim na plastic bag na pinagbalutan ng ulo ng biktima.March nang unang magbigay ng deadline ang mga bandido na kanilang pupugutan ng ulo ang kanilang mga bihag kung hindi maibibigay ang tig-isang bilyong pisong ransom demand para sa paglaya ng mga biktima.April 8 naman nang ibinigay na deadline ng mga Abu Sayyaf sa hinihingi nilang ransom.Gayunman, pinalawig ng bandidong grupo ang deadline at sa halip na April 8, ay ginawa itong April 25.Ibinaba rin ng Abu Sayyaf ang ransom demand mula sa tig-isang bilyong tungong 300 milyong piso bawat isang bihag.Matatandaang sina John Ridsdel, Robert Hall at Pilipina nitong nobya na si Flor at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad ay sapilitang dinukot ng mga armadong grupo sa overview Marina sa Island Garden city of Samal noong September ng nakaraang taon.
Isa Sa Canadian National Na Dinukot Ng Abu Sayyaf Group Sa Samal Island – Pinugutan Na Ng Ulo
Facebook Comments