Isa sa creators ng Infinity Chain website, lumutang sa PNP-ACG

Lumutang sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isa sa Philippine-based creators ng website ‘8chan’ o Infinity Chan para linisin ang kanyang pangalan.

Nabatid na nakalagay sa website ang manifestos tungkol sa nangyaring mass shootings sa El Paso, Texas; Poway, California at Christchurch sa New Zealand.

Natunton ng mga awtoridad si Frederick Brennan, isa sa mga creators ng website.


Ayon kay PNP-ACG spokesperson, Police Major Levy Lozada – sumadya sa kanilang tanggapan si Lozada para i-clear ang pangalan niya.

Sinabi ni Lozada sa kanila na hindi siya ang lehitimong may-ari ng website at itinuturo niya si Jim Watkins.

Sa isang uploaded video sa YouTube, sinabi ni Watkins na isang trahedya ang mga karumal-dumal na pagpatay sa iba’t-ibang lugar sa Amerika.

Pero iginiit din ni Watkins na walang nilabag na anumang batas ang website.

Tiniyak ng PNP-ACG na paiigtingin nila ang kanilang patrol sa internet sa posibleng online hate na posibleng pagmulan ng krimen.

Facebook Comments