
Nakilala na ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa dalawang bangkay na natagpunang palutang-lutang sa Marikina River.
Ayon kay Marikina Police Chief Col. Geoffrey Fernandez, ang bangkay ay isang 20-anyos na lalaking taga-Bulacan.
Huli itong nakita sa Montalban, Rizal noong July 27 at nawawala noong Hulyo 30.
Samantala, inaalam pa ng PNP Marikina ang pagkakakilanlan ng isa pang bangkay na natagpuan din sa naturang ilog.
Dahil dito, hinikayat ng pulisya ang mga nawawalan ng kaanak o kaibigan na makipag-ugnayan sila sa Marikina PNP para tingnan ang bangkay ng biktima.
Ang dalawang biktima ay walang tinanong external inujuries kayat buo ang paniniwala ng PNP na pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.
Facebook Comments









