Isa sa dalawang natitirang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Bohol – napatay na ayon sa AFP

139

Bohol, Philippines – Napatay ng militar ang isa sa dalawang natitirang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Bohol.

Ayon kay AFP spokesperson Brig.Gen. Resitituto Padilla, napatay ang nasbaing ASG member sa isang engkwentro sa Pangangan island sa bayan ng Calape dakong alas 12:30 kaninang tanghali.


Sa ngayon, hindi pa matukoy ng militar kung si “Abu Asis” o “Abu Ubayda” ang napatay na ASG member.

Nakuha sa pag-iingat nito ang isang m16 rifle.

Patuloy namang tinutugis ng militar ang isa pang natitirang bandido sa Bohol.

Facebook Comments