Nadakip na ng mga awtoridad ang isa sa mga sinasabing gunman at spotter sa pananambang sa pamilya ni photojournalist Joshua Abiad.
Kinilala ang suspek na si Eduardo Legaspi Jr., na naaresto sa sabungan sa Muntinlupa City.
Itinuro rin ni Legaspi ang isang ‘Kap Nanad’ na dating barangay chairman sa Pasay bilang utak sa krimen.
Ayon sa suspek, binayaran sila ng P100,000 para tambangan si Abiad kung saan 15,000 pesos naman ang napunta sa kanya.
Matindi aniya ang galit ni ‘Kap Nanad’ sa photojournalist dahil sinisiraan daw siya nito.
Pito pang suspek sa krimen ang hinahanap ng mga awtoridad kabilang na ang mastermind nito at isang dating pulis ng Maynila na nasibak sa serbisyo.
Facebook Comments