Isa sa Heneral na kritikal sa pagbagsak ng helikopter noong Marso, binawian na ng buhay

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan na namatay na si Major General Jovic Ramos matapos ang ilang buwang pagkaka-comatose sa ospital.

Si Major General Ramos ay naging kritikal matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter sa Laguna kasama si dating PNP Chief General Archie Gamboa at iba pang opisyal ng PNP na nakaligtas sa aksidente.

Sa text message mula mismo kay PNP Chief Cascolan, kinumpirma nitong alas-12:07 ng madaling araw kanina nang bawian ng buhay si Major Gen. Ramos.


Matatandaang umaga ng March 5, 2020 nang bumagsak ang sinasakyang helicopter ng PNP officials sa San Pedro, Laguna.

Sa pagbagsak ay lumiyab pa ito dahilan para maging kritikal sina Major General Jovic Ramos, at dating PNP Intelligence Director Major General Mariel Magaway na ngayon ay nasa stable condition habang minor injuries ang tinamo ng ibang opisyal kasama na si dating PNP Chief Gamboa.

Facebook Comments