Nakilala na ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Rescue Unit ang isa sa limang mga manggagawa ng EC Soliman Septic Tank Disposal na na-trap sa loob ng kanilang nililinis na septic tank matapos na ma-suffocate noong kahapon ng umaga sa Sunset Drive, MOA Complex, Brgy. 76, Pasay City.
Kinilala ang biktima na si Jesus Sison, may sapat na gulang na na-retrieve ng mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) Rescue Unit pasado alas-sais ng umaga matapos na ma-suffocate mula sa septic tank.
Ayon sa BFP Resucue Unit, kinilala naman ang walang malay na mga worker na sina Gestoni Mercado at Virgilio Lobo na agad isinugod sa Philippine General Hospital habang sina Orgel Cadag at Erwin Dizon ay nasa stable condition matapos maranasang mahirapang makahinga.
Base sa ulat na nakarating kay Southern Police District (SPD) Director P/B Gen. Jimili Macaraeg, habang ang mga workers ay aakyat na matapos na malinisan ang septic tank noong martes 11:45 ng gabi, isang malaking bula mula sa liquid waste at emitted toxic fumes na naging dahilan kung bakit nawalan ng malay ang mga manggagawa.
Agad na humingi ng tulong ang supervisor ng EC Soliman na naka-duty sa kanilang lifeline team upang i-rescue ang mga biktima pero hindi na nila nai-angat si Sison na lumubog sa naturang liquid waste.