Biyaheng Pampanga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw para pangunuhan ang dalawang aktibidad.
Una na rito ang pag-turnover ng mga operating at maintenance equipment ng National Irrigation Administration (NIA) sa Provincial Government ng Pampanga.
Gaganapin ito dakong alas-9 nang umaga sa Global Construct City, sa munisipalidad ng Mexico, Pampanga.
Kasunod naman nito ay didiretso ang pangulo sa munisipalidad ng Masantol para pasinayaan ang Stage 1 ng Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation Project (IDRR-CCA 1).
Nabatid na isa ang IDRR-CCA 1 sa ongoing big-ticket projects ng pamahalaan na target matapos sa 2029.
Pinondohan ng P4.7 billion ng Korean government ang naturang proyekto.
Layunin nitong mapabuti ang pagkontrol sa baha sa mga low-lying areas sa Pampanga at kalapit na lugar na madalas tamaan ng bagyo.