Isa sa malalaking tent na ginamit para sa ginanap na Archdiocesan Youth Day 2023 sa Buer, Pugaro, ang winasak at binayo ng malakas na hangin.
Sinira ng isang napakalakas na hangin ang tent na gamit ng Calmay-Carael Parish bandang alas syete ng gabi, May 13, 2023.
Sa lakas ng pagbagsak ng tent sa lupa, natamaan nito ang ilang wire ng kuryente.
Mabilis namang rumesponde ang ilang mga kawani ng iba’t-ibang ahensya gaya ng PNP, BFP, CEO, CDRRMO, CHO, Red Cross, Bantay Ilog, at mga security force.
Agad din pinatay ng DECORP ang natamaang wire ng kuryente at agad ding na-irestore ang power nito.
May mga natamaan ng debris ng tent, minor injuries at may major injury maging mga na-ground ng kuryente ngunit sa ngayon ay wala pang confirmation sa bilang ng mga nadamay sa naturang insidente.
Ayon naman sa official fb page ng alkalde ng Dagupan City, nakauwi na rin ang ibang mga pasyenteng itinakbo sa Region 1 Medical Center.
Inilikas rin agad ang mga kabataang delegado na napabilang sa naturang pagtitipon.
Ayon sa mga ilang delegate na kasama sa naturang event, simula unang araw pa lang ng kanilang activity ay malakas na umano ang pag-ulan tuwing hapon sa naturang beach at nagkataon noong gabi rin na iyon ay bumugso ang napakalakas na ulan at hangin.
Ang Archdiocesan Youth Day o AYD ay isa sa malalaking pagtitipon na isinasagawa taun-taon ng simbahang katoliko para sa selebrasyon kay Inang Maria kung saan kinabibilangan ito ng mga kabataang delegado mula sa iba’t-ibang parish sa probinsya.
Sa pagtitipon na ito ay nagkakaroon ng mga iba’t-ibang klase ng aktibidad at kasiyahan para sa mga kabataan. |ifmnews
Facebook Comments