Isa sa mga akusado sa Jee Ick Joo case, inabsuwelto ng Korte

Manila, Philippines – Tuluyan nang inabsweto ng Pampanga Court ang isa sa mga akusado sa pagpatay kay Korean businessman Jee Ick Joo.

Sa desisyon ni Judge Irenzenaida Buan ng Angeles Regional Trial Court Branch 58 sa Pampanga, nakasaad dapat nang maalis sa restrictive custody ng PNP-Anti Kidnapping Group si SPO4 Roy Villegas dahil nakumpleto na nito ang kanyang mga sinumpaang salaysay.

Si Villegas kasi ang tumayong state witness sa kaso at inamin na sangkot sya sa pagkidnap kay Jee sa pag-aakala na ito ay lehitimong drug raid.


Siya rin ang nagturo kay SPO3 Ricky Sta Isabel na pumaslang sa Koreano.

Magigunitang noong 2016, dinukot si Jee sa kanyang bahay sa Angeles, Pampanga kapalit ng ransom money at natagpuan ang kanyang katawan sa isang sasakyan sa loob ng PNP Headquarters na pinaniniwalaang pinatay sa sakal.

Pina-cremate ang kanyang katawan at nai-flush sa inodoro ng funeral parlor sa Caloocan ang abo nito.

Samantala, nanatili naman sa kulungan ang iba pang akusado sa kaso na sina: Supt. Rafael Dumlao III, SPO3 Ricky Sta Isabel at ang sibilyang si Jerry Omlang.

Facebook Comments