Isa sa mga biktima ng panggagahasa ng pulis sa Ilocos Sur, nasa kustodiya na ng PNP-IMEG

69

Nasa pangangalaga na ngayon ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang 18 anyos na dalaga na umano ay ginahasa at tinangkang patayin ng dalawang pulis sa Cabugao, Ilocos Sur.

Ayon kay PNP-IMEG Director PBGen. Ronald Lee, humingi ng tulong sa kanilang tanggapan ang pamilya ng biktima nang makatanggap ng mga banta sa kanilang buhay matapos kasuhan ang suspect na si PSSgt. Randy Ramos.


Sinabi ni Lee, may direktiba na sa kaniya si PNP Chief General Archie Gamboa na bigyan ng seguridad at proteksyon ang pamilya ng biktima.

Matatandaang bukod sa 18 anyos na dalaga, ginahasa rin at pinatay matapos namang ireklamo ang isa pang pulis na si PSSgt. Marawi Torda ang pinsan nitong 15 -anyos.

Sa ngayon ay patuloy ang ugnayan nila ni Police Regional Office 1 Director PBGen. Rodolfo Azurin Jr. para makahanap ng matitibay na ebidensya laban kina Torda at Ramos na kapwa nakatalaga sa San Juan Municipal Police Station sa Ilocos Sur.

Facebook Comments