Isa sa mga close contact ng pasyente sa Maynila na namatay sa Delta variant, positibo sa COVID-19

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na isa sa close contacts ng pasyenteng babae na namatay sa Maynila sa Delta variant ay positibo sa COVID-19.

Gayunman, nilinaw ni Moreno na hindi kailangan isumite para sa genome sequencing ang sample ng close contact dahil mataas ang CT value nito.

Nangangahulugan aniya ito na posibleng regular na COVID-19 case lamang ito.


Ang 58 na babae mula sa Pandacan, Maynila na namatay noong June 28 ay kabilang sa 3 pasyente na may Delta variant na namatay sa bansa.

Nagpapatuloy naman ang contact tracing sa iba pang nakasalamuha ng namatay na pasyente.

Facebook Comments