Isa sa mga high value target ng PNP at PDEA, arestado sa Iligan City

84

Nahuli na ang itinuturing na top 5 high value target ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Misamis Occidental.

Ang operasyon ay isinagawa sa pangunguna ng mga operatiba ng Iligan City Police Station 2 sa Barangay Maria Cristina, Iligan City.

Ayon kay Police Colonel Wilbur Salaguste, acting Director ng Iligan City Police Office, naaresto ang suspek na kinilala si Julius Sumulong Manic, 34 anyos matapos magbenta ng ilegal na droga sa pulis na nagpanggap na buyer.


Narekober sa suspek ang tinatayang 16 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na mahigit P108,000 at isang unit ng motorsiklo.

Agad dinala sa istasyon ng pulisya ang suspek na nahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments