Hindi na muna matutuloy ang pagpunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Fujian province na dapat sana ay kabilang sa una nang itinerary nito para sa kanyang working visit sa China.
Ayon kay Chief Presidential Protocol Robert Borje, ang pagpapaliban ay “mutually agreed” at dumaan sa betting process.
Pagbibigay diin ni Borje, hindi naman kanselado kundi postponed lang ang naturang biyahe sana ng Chief Executive sa nabanggit na probinsiya ng China gayung nananatili aniya ito sa plano para sa mga susunod na biyahe ng Pangulo.
Paliwanag pa ni Borje na isang “working in progress” ang schedule ng Pangulo sa abroad man o dito sa Pilipinas kaya’t maaari talagang may mabago sa itinerary nito.
Ang Fujian leg sana ng Pangulong Duterte ay para sa gagawing inagurasyon ng isang gusali sa Fujian Normal University na isusunod sa pangalan ng kanyang ina na si Gng. Soledad Roa Duterte.