Isa sa mga kongresista na nasa listahan ng Kamara na dadalo sa SONA, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ni House Deputy Speaker Johnny Pimentel na nagpositibo siya sa COVID-19.

Paliwanag ni Pimentel, ito ang resulta ng swab test na isinagawa kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nalaman niya ang resulta ng kanyang swab test alas-11:30 kagabi matapos i-tawag sa kanya ng doctor ng Kamara.


Mula sa kanyang tahanan kahapon ay agad siyang dumiretso sa testing area sa Kamara kung saan siya ang unang kinuhaan ng swab test.

Ang tanging nakausap lamang niya ay sina Deputy Speaker Rodante Marcoleta at Zamboanga Rep. Divine Yu pero may halos dalawang metro ang layo.

Ayon pa kay Pimentel, asymptomatic naman siya pero agad siyang nag-isolate sa loob ng kanyang bahay matapos malamang positibo sa Coronavirus.

Dahil dito, otomatikong tanggal na si Pimentel sa official list ng mga dadalo sa SONA ng Pangulo.

Facebook Comments