
Sinilip ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang Pasay City Jail na inihahandang kulungan para sa mga mapapatunayang sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Remulla, walang special treatment — bawal ang cellphone, laptop, at aircon sa loob ng kulungan.
Aniya, ang mga opisyal na may salary grade 26 pababa ay dito ipapasok sakaling mapatunayan ang pagkakasala.
Samantala, nasa 100 katao naman ang kapasidad ng bawat selda.
Hindi naman na maghahanap ng hiwalay na kulungan sa labas ng Metro Manila dahil nais ng DILG na maging transparent ang proseso at makita ng publiko ang sitwasyon ng mga makukulong na mapapatunayang sangkot sa flood control scandal.
Facebook Comments









