
Arestado ng Taguig City Police ang isa sa mga suspek sa likod ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Barangay Wawa, Taguig City.
Nabawi rin ang ninakaw na motorsiklo kasunod ng pagkaka-aresto sa 23 taong gulang na lalaking suspek.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sapilitang kinuha ng mga suspek ang isang tricycle habang ito ay nakaparada sa labas, gamit ang maling susi upang paandarin ang makina nito
Nakita ito ng isang saksi sa insidente na agad inalerto ang mga patrolling officer at mabilis na naisagawa ang pursuit operation ng rumespondeng team.
Samantala, ang pangalawang suspek ay nananatiling at large at patuloy na tinutugis ng pulisya.
Facebook Comments









