Isa sa mga nagpositibo sa COVID-19 na tauhan ng DOJ-WPP, pumanaw na

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na nasawi ang isa sa 17 personnel ng DOJ-Witness Protection Program (WPP) na unang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Sec. Guevarra, binawian ng buhay kahapon ang naturang tauhan ng WPP na isang 54 taong gulang na lalaki.

Ito na ang ikalawang kawani ng DOJ na pumanaw dahil sa COVID-19.


Nitong February 7, isa ring babaeng kawani ng nasabing ahensya na nagka-COVID ang namatay.

Facebook Comments