Isa sa mga nasa likod ng Mamasapano encounter, arestado

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group-ARMM at Cotabato City police office ang isa sa mga nasa likod ng madugong Mamasapano massacre noong Enero 2015.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Mary Grace Madayag, spokesperson ng CIDG ang naaresto na si Tamano Esmail Sabpra na kilala rin sa pangalang Tamano Sabpra Esmael.

Inaresto si Esmael sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Alandrex Betoya ng 12th Judicial Region, Branch 15 ng Cotabato City noong January 25, 2017 dahil sa kasong direct assault with murder.


Kabilang si Esmail sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nasangkot sa madugong engkuwentro sa Tukanalipao, Mamasapano kung saan 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ang nagbuwis ng buhay.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Esmael habang patuloy na nililitis ang kaniyang kaso.

Facebook Comments