Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isa sa 25 na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 ang binawian ng buhay.
Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang nasawi ay 84 years old na pasyente.
Aniya, walang naging close contact ang nasabing pasyente dahil hindi naman ito lumalabas ng bahay.
Sa ngayon aniya, pinag-aaralan nila kung paano nahawaan ng virus ang nasabing pasyente.
Kinumpirma rin ni Vergeire na 22 sa 25 na mga tinamaan ng UK variant ang naka-recover na at 2 na lamang ang aktibong kaso.
Samantala, ngayong hapon ay makikipagpulong ang mga opisyal ng DOH sa mga eksperto sa bakuna.
Ito ay para mapag-aralan kung sino-sino ang mga indibidwal na maaari at hindi pwedeng tumanggap ng bakuna.
Facebook Comments