Mga residente pinalilikas matapos bumigay ang rubber gate ng Bustos Dam

Kinumpirma ni Bustos Mayor Francis Juan na nasira ang ikatlong rubber gate ng Bustos Dam sanhi upang bumulwak ngayon ang tubig galing sa Angat River.

Pinangangambahang tumaas ang lebel ng tubig kung kayat pinaalalahanan ang publiko malapit sa ilog na lumikas sa mataas na lugar.

Wala pang inilalabas na dahilan kung bakit nasira ang nasabing rubber gate pero inaalam na ito.

Kabilang sa mga apektado ang Brgy. Tanawan, San Pedro, Poblacion, Talampas at Cambaog.

Naglabas na rin ng abiso sa publiko ang mga karatig na lugar at mahigpit na ipinagbabawal ang paliligo sa ilog dahil malakas ang daloy ng tubig.

Facebook Comments