Isa sa mga sangkap ng paggawa ng salad, buko tumaas na ang presyo

Umaaray na ang mga mamimili na plano sanang maghanda ng buko salad ngayong Pasko dahil tumaas ang presyo ng buko sa Kalentong Market sa Mandaluyong City.

Ayon kay Margie Reyes isa sa mga mamimili plano umano niyang maghanda ng buko salad pero dahil sa, pagtaas ng P5 ang presyo ng isang buko na dati rati ay P35 lang ang bentahan nito kada isang piraso pero ngayon ay P40 na.

Paliwanag naman ng mga tindera ng buko, tumaas kasi ang deliver sa kanila ng supplier na galing pa sa Southern Luzon dahil sa in demand umano ang buko tuwing magpapasko na karamihan ay naghahanda ng buko salad at buko pandan.


Tatlong araw nalang bago magpasko ayon sa mga nagtitinda ng buko na matumal pa sa ngayon ang bentahan ng buko.

Kwento nila dati umano ay kaya nilang umubos ng 800 buko sa loob ng 5 araw pero ngayon ay nasa 100 buko pa lang ang kanilang nabebenta mula noong huling delivery noong Disyembre 20.

Umaasa naman sila na sa mga susunod na araw ay darami ang bibili ng buko dahil kadalasan naman umanong Bisperas ng Pasko mas marami ang order ng buko para maghanda at gumawa ng buko salad.

Facebook Comments