Isa sa mga sundalong nasugatan sa Jolo bombing, ginawaran ng Order of Lapu-Lapu of Kampilan

Personal na ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan ang isa sa mga sundalong nasugatan sa pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Kasabay ito ng kanyang pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Camp Teodulfo Bautista sa Jolo kahapon.

Ang Order of Lapu-Lapu Kampilan award ay iginagawad ng Pangulo sa mga tauhan ng gobyerno o pribadong indibidwal na nasugatan sa kalagitnaan ng pagganap sa kanyang tungkulin para sa bayan.


Facebook Comments