Isa sa mga suspect sa pamamaslang ng isang lalaki sa Maynila kaninang madaling araw, sumuko sa pulisya

23

Manila, Philippines – Sumuko sa pulisya ang isa sa anim na suspects sa pamamaslang sa isang 24 anyos na lalaki sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kaninang madaling araw.

Ayon kay PSInsp. Moises Reyes, hepe ng investigation team ng MPD station 2, kasalukuyan nang sumasailalim sa imbestigasyon ang suspect na si Jerson Aguilar, makaraang madawit sa pamamaslang sa biktimang si Juan Cullantes (24y/o).

Base sa imbestigasyon, pasado alas dose kaninang madaling araw, matapos makipag-inuman ang biktima, sumugod sa bahay nito ang mga suspect na sina Jerson Aguillar, isang alyas na Burdado, alyas John Paul, alyas Lyn at dalawang di pa napapangalanang lalaki, na mayroong bitbit na kahoy.

Bigo ang mga ito na makita ang biktima sa kaniyang tirahan.

Ala una na nang madaling araw nang matagpuan na wala nang buhay ang biktima sa Block 1 Aplaya, Baseco Compound, dahil sa matinding pinsala na tinamo nito sa ulo.

Narecover mula sa crime scene ang 1 kawayan at 1 kutsilyo.

Pinaghahanap pa ang ibang mga suspek.

Facebook Comments