
Kinumpirma ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group na kabilang sa 11 suspek na naaresto kaugnay ng pagdukot sa isang babaeng negosyante sa Quezon City ay dati nitong empleyado.
Ayon kay AKG spokesperson PMaj. Eleonor Villaruz, lumabas sa kanilang paunang imbestigasyon na dati nang nagtrabaho sa biktima ang isa sa mga suspek at nagsilbing insider sa kaso.
Hindi naman tinukoy ng pulisya kung sino sa mga naaresto ang naturang insider.
Patuloy namang nagsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy at mahuli ang itinuturing na utak ng pagdukot.
Matatandaang dinukot ang naturang 78 yrs old na babaeng negosyante sa C3 road Quezon city noong Sept. 2, 2025 kung saan sa 11 naarestong mga suspek 3 dito ay pawang mga dismissed servicemen.









