Isa sa mga suspek na nagpasok ng dolyar sa Pilipinas, kinasuhan na

Sinampahan na ng kaso sa korte ng Pasay City prosecutors ang isa sa mga suspek sa kuwestiyonableng pagpasok sa bansa ng multi-milyong dolyar na si Simon Jhon Rodriguez

Ayon kay Pasay City Chief Prosecutor Elmer Cris Rillo, inaprubahan niya ang rekumendasyon ng investigating prosecutor na kasuhan sa korte si Rodriguez ng paglabag sa Section 1401(e) ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular Number 308 series of 2001 sa ilalim ng RA 7653 ng New Central Bank Acts.

Una nang isinailalim sa inquest proceedings si Rodriguez noong Setyembre 27, 2019 matapos naman itong ireklamo ng ilang tauhan ng Bureau of Customs dahil sa hindi pagdedeklara sa ipinasok niyang 700-thousand USD.


Batay sa reklamo ng customs officers sa pangunguna ni Tomas Maranan, pagdating ng respondents sa NAIA noong Setyembre 26 ng nakalipas na taon kung saan ay nasabat ito ng complainant na si Maranan sa exit gate arrival area ng NAIA terminal 2 bitbit ang 700,000 US dollars

Nang tanungin ito ay hindi nakapagspresenta ng anumang dokumento na nagpapatunay na lehitimo ang ipinasok nitong salapi sa bansa.

Facebook Comments