Isa sa mga suspek ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo, inaresto na ng PNP Anti-Kidnapping Group

Manila, Philippines – Inaresto ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG)si Supt. Rafael Dumlao na isa sa mga pangunahing suspek sa pagdukot at pagpataysa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
 
Ayon kay PNP-AKG DirectorS/Supt. Glen Dumlao – isinilbi ang Warrant of Arrest laban kay SUPT.RAFAEL DUMLAO habang itoy nasa ilalim ng restrictive custody.
 
Inilabas ng korte ang Warrant ofArrest laban kay Dumlao makaraang isama ng Dept. of Justice ang pangalan nitosa kanilang kinasuhan matapos silang magsagawa ng re-investigation sa kaso ngpagpatay kay Jee Ick Joo.
 
Nahaharap sa kasong kidnappingat serious illegal detentions si Dumlao at walang inirekomendang piyansa parasa mga nabanggit na kaso.

Facebook Comments