ISA SA MGA SUSPEK SA BRUTAL NA PAGPATAY SA ISANG ENGINEERING STUDENT MULA SA POZORRUBIO, ARESTADO

Arestado ang isang 20 anyos na babae na suspek sa brutal na pamamaslang sa isang estudyante na residente ng Pozorrubio, Pangasinan.
Sa bisa ng warrant of arrest, nahuli ang suspek sa kanyang tahanan sa Brgy. Imelda, Naguilian, La Union.
Ayon sa Naguilian Police Station, isa lamang ang babae sa apat na suspek sa malagim na pamamaslang sa estudyante matapos matagpuan ang katawan nitong sunog at sugatan sa talahiban sa bahagi ng Bacnotan-Balaoan Provincial Road noong July 2,2024.

Patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang tatlo pang kasamahan ng suspek na nahaharap sa kasong Murder. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments