Isa sa mga suspek sa pagnanakaw sa isang bahay sa Pasay City, arestado

Pasay City, Philippines – Todo-tanggi ngayon sa paratang ang isa sa tatlong suspek na naaresto ng pulis na nagnakawa sa isang bahay sa Pasay City.

Sa ulat, pinasok ng mga suspek ang bahay nina Jay Barias saka kinuha ang pera, gadget, alahas at iba pang gamit na pwedeng pakinabangan.

Nabatid na nagbakasyon ang pamilya nina Jay at pag-uwi nila ay bukas na ang gate at gulo-gulo na ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay.


Nakita naman sa CCTV ang mga suspek na sina Allan De Pedro, alyas Dagul na isang menor ded edad at isa pang hindi nakikilalang lalaki.

Agad na nadakip si De Pedro pero nakatakas ang mga kasamahan nito kung saan napag-alaman pa sa mga opisyal ng barangay na nasasangkot ito sa iligal na droga at pagnanakaw.
DZXL558

Facebook Comments