
Nahuli ng mga operatiba ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company at Navotas City Police Station ang isa sa mga suspek sa pamamaslang sa isang Association of Barangay Captains (ABC) President sa Bulacan na si Ramil Capistrano at sa driver nito matapos ang isinagawang operasyon sa Navotas City.
Ang insidente ng pamamaslang ay naganap noong nakaraan taon sa Malolos City kung saan apat dito ang naging suspek.
Kinilala ang nahuling akusado na si alyas “Lupin”, 35-taong gulang at residente ng nasabing lugar.
Naisagawa ang nasabing operasyon sa papamagitan ng warrant of arrest para sa dalawang counts ng murder na may rekomendasyong no bail.
Dahil dito, pinuri ni Regional Director ng Police Regional Offices (PRO) 3 Police Brigadier General Rogelio Peñones Jr., ang isinagawang operasyon ng mga nasabing operatiba.









